My Blog List

Martes, Agosto 9, 2011

Brothers and Sister, I love and Respect.


EXCEL IN YOUR OWN CHOSEN FIELDS OF ENDEAVOR AND INTEREST.
(Photo courtesy of Bro.Kristopher Cortez)


Arriba Sta.Clara! Paano ko makakalimutang parte ako ng isang pamilya na naestablish sa aking eskuwelahang pinanggalingan. Proud ako sa lahat ng naachieve ng chapter. I may not be active nowadays but Tau Gamma Phi/Sigma will always be in my heart.It has always been a part of my daily living.I may not be able to join with chapter's/council's gathering but i am always would like to be informed.For the past few years proud ako na yung maliit na community na minsang kinagisnan ko has now become a well oriented chapter.Maraming salamat sa lahat ng naupo at nagpursigeng isaayos ang ating mahal na chapter.


Mga brad at sis wag kayong magtatampo kung ilan sa mga brad at sis tulad ko ang hindi nyo na madalas makita.Minsan talaga merong mga brad at sis na kailangang lumabas sa kalinga ng chapter. Hindi nyo man siguro kami nakikita, pero meron din kaming kanya kanyang ginagawa para maging proud parin kayo samin bilang mga brad at sis nyo.Tulad ng relasyon ng magulang sa anak minsan may mga anak na kailangang mangibang bansa para sa ikabubuti ng kanilang mga pamumuhay.Tandaan nating hindi sa lahat ng oras hindi lang sa kapatiran iikot ang ating mga buhay.Minsan kailangan lumihis ang ating mga anino para tahakin ang mas maliwanag na bukas.


Naalala ko noong medusa palang ako at naguumpisa.Tinanong ako ni Bro.Richie Dela Llarte na kung halimbawang nasa isang bangka ako at lulubog ito.Sakay ng bangka ang aking ina at ang isang sis,ngunit isa lang ang pwede kong isalba.Sinong isasalba ko, sinagot ko ang aking ina.Tinanong niya ako kung bakit? Sabi ko, "dahil kung wala si Nanay malamang master hindi nyo po ako medusa ngayon".Alam nating ito ang nararapat na sagot. Hindi ko sinasabing talikuran natin kung anu mang pinaggalingan natin. Kaakibat ng lahat ng ating kilos mga kapatid ang hakbang para sa ikauunlad ng ating mga sarili.


Maraming ibang brad at sis,aminin man natin sa hindi ang napapako sa pagtambay kung hindi naman sa maagang pagaasawa.Ginawa ang salitang pagsisisi upang lahat tayo ay may matutunan. Sa lahat ng brad at sis na nagaaral pa pagpatuloy nyo lang,pagbutihin nyo at wag na wag nyong pababayaan. Maaring hindi pa ako nakakagradaute pero alam kong hindi pa huli ang lahat.Lahat tayo may kanya kanyang talento, hindi lang sa pagpapaikot ng baso sa taas na mesa.Mga kakayanang maari nating iangat tayo sa kung nasan man tayo ngayon.777 when ever, where ever you throw it, it will always remain standing.Ganyan tayong mga lion.Kaya wag na wag tayong susuko sa hamon ng buhay.Gumawa tayo ng isang bagay na ikagaganda ng pangalan ng ating mga chapter at kapatiran.Tulad ng mga artista at mga sikat na brod, hindi bat proud tayo sa kanila.Pare pareho tayong mga tao.Kaya natin kung anu mang kaya nilang gawin.Kung magaling kang sumayaw, tumugtog, tumambling o kung anu pamang talent pagyamanin mo.


Sa tamang panahon, magkikita kita tayong muli mga brad at sis.Hindi man pareho ang daang tinatahak natin ngayon. Huwag na huwag nyong kakalimutang bilog ang mundo.Marahil hindi tayo magkaharap sa mesa ngayon o sabay na nakikipagbakbakan sa mga kaaway,ngunit darating ang araw na pagtatagpuin parin tayo ng tadhana.Lahat tayo tumatanda.We grow to maturity not by doing what we like, but by doing what we should. How true it is that not every 'should' is a compulsion, and not every 'like' is a high morality and true freedom.Marahil hindi ito maintindihan ng ilan.Hindi ko hinihingi ang lahat ng simpatsa ng lahat ng brad at sis na makakabasa nito.Maaaring tawanan ako ng ilan pero balang araw maiintindihan nyo rin ang ibig kong sabihin.


This may sound weird to others but I now work as a writer malayo sa nakita niyo sa akin noon. I may soon publish my own book.At siguro ilan sa nilalaman ng pahina ng magiging libro ko ay kabilang kayo.Dahil parte ang Tau Gamma Phi/Sigma ng pahina ng buhay ko.Marahil ngayon wala pakong titulong maipagmamalaki sa inyong lahat,pero sana dumating yung araw na maging proud kayo sa akin.Sana kahit papaano may napulot kayo sa maliit na produkto ng utak ko.Maraming salamat sa inyong lahat.


From year 2005 up to this year 2011, St.Clare College Chapter will still be counting a lot more years.Advance happy Anniversary mga kapatid.Live and Let live.I miss you all.


Sis Lights/Gara
Former LMWW of SCC
Now a Freelance Writer

Four Years (Based on a true Story)

  • D.20. Kahit pa mabusisi mong pagplanuhan ang mga bagay-bagay, wala ka pa ring kasiguruhan lalo kung habambuhay na ang haba ng panahon na pinag-uusapan.
  • F.28 Mahuhulog tayo sa kanya-kanya nating bangin. Hindi natin alam kung hanggang kelan, at kung gaano kalalim ang ating huhulugan. Dapat mong malaman na mas masakit ang bagsak kapag sa mas malalim na bangin ka malalaglag. 
  • G.32.‘Pag may hawak ka, gamitan mo ng dalawang kamay para protektahan s’ya; kahit pa alam mong kaya mo s’yang pagkasyahin sa isa. Hindi rin mabubuhay ang isang bagay kung masasakal lang s’ya.


Source : Talipandas Love Qoutes
(http://jumpingsalad.wordpress.com/)



"Ken,break na tayo! Pasensya kana pero hindi ko na talaga kaya. Nasasakal na ako".Yan ang mga huling salitang dumurog sa aking puso, mga huling salitang namutawi sa labi ni Jena.Ganito pala kasakit sa pakiramdam. Matapos ang apat ng taon naming pagsasama bilang magboyfriend at girlfriend.Yung tipong akala ko kayo na forever pero hindi pala. Ang sabi nga nila you should expect the unexpected.Pakiramdam ko guguho ang mundo ko nung mga panahong iniwan nya ko. Araw araw umiinom ako para kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit. Nagkukulong ako sa kwarto maghapon magdamag. Matutulog, sa panaginip ko nakikita ko parin si Jena masaya kami.Pero paggising ko back to reality ang lahat ng mga bagay. Sa loob ng apat na taon ay ibinuhos ko lahat ng panahon ko kay Jena. My family knows her already,palagi pa nga siyang nandito sa bahay eh. Ako din naman ay close ang mga kuya niya. Sa loob ng apat na taon ay punong puno kami ng mga pangarap. Maraming bagay na kaming pinagdaanan.Kung kaya naman, hindi ko matanggap na parang alikabok lang na hinipan ng hangin ang lahat.


Naalala ko pa nung mga panahong naguumpisa palang kami.....

"Jena, will you be my girlfriend?"
"Yes, Ken. From now on I am your girlfriend."


Walang pagsidlan ang sayang nadarama ko ng mga araw na yun. I never experienced that feeling with Jena compared to other women.Siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Ni kahit minsan hindi sumagi sa utak ko na maghanap ng ibang babae for goodtime.Kapag may problema,tulungan kami sa isa't isa. Even with financial matters,kami parin ang nagdadamayan. Hindi ko maitatangging meron narin mga naging hadlang sa pagsasama namin. Andyan na ang pagseselos,isang dahilan kung bakit talaga namang nahigpitan ko si Jena.Nawalan na sya ng panahon para sa kanyang sarili. Buong mundo nya umikot nasa akin. Sa loob ng Apat na taon, hindi niya nakuhang enjoyin ang mga panahon kasama ang kanyang mga kaibigan.Sensitive akong masyado pag may mga lalakeng umaaligid sa kanya.Even the issues about her past relationships still becomes a big deal to me. Pakiramdam ko naging sakim ako. Narealize ko yun lahat ng magdesisyon si Jena na magbreak na kami for good. Totoong nasa huli ang pagsisi.Kung mas napaaga ko sanang narealize lahat ng iyon siguro okay parin kami hanggang ngayon.


I tried to win her back, but theres no use. Ayaw na niya. Kahit parents ko kinausap na siya na baka maaaring pagusapan ang lahat.Pero wala na talaga. Sumuko na siya. Pero hindi parin ako sumusuko,gusto ko paring bumalik ang dati. Gusto ko habang buhay kong makasama si Jena. Shes all I need. Siya lang ang kokompleto sa buhay ko. Kinausap na din ako ng Mommy niya, na kahit nasa ibang bansa ay nagaalala sa akin. "Anak, tatagan mo. Kung kayo talaga ng anak ko hanggang sa huli ay kayo." Maraming tao din ang naapektuhan sa pagbrebreaknamin. Pamilya,kaibigan, at kaklase. Lahat nagulat sa nangyari. Hindi ko siya masisi,sa naging desisyon niya. Ang laki ng pagkakamali ko kay Jena.Sising sisi ako. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat. Pero sabi nga nila humawak at kumapit daw ako kay "tadhana". Malay mo naman dumating yung panahon na magkabalikan kami. 


"I still want the best for you". Yan ang huling message na natanggap ko kay Jena. Matapos ang isang buwan na hindi na kami magkasama.Positibo parin ang pagiisip niya sa kabila ng nangyari sa amin.Aaminin kong nasasaktan akong pag nababalitaang may mga lalakeng nanliligaw sa kanya. Pero wala na akong karapatan pang pagbawalan siya. Sa kabilang banda masaya narin akong makita siyang masaya sa piling ng kanyang mga kaibigan. Malaya siyang nagagawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Bagay na pinagkait ko sa kanya noon.


Ang bawat relasyon ay kailangan ng pangunawa.Hindi lahat ng inaakala nating nasa kamay na natin at hinahawakan natin ng mahigpit ayhindi na mawawala. Kailangan ng alalay. Tulad ng isang ibon na hawak mo sa iyong mga kamay at napaamo ay magnanais paring makawala at magkaroon ng paglaya. Kapag hawak na natin ang matagal nating inaasam dapat alagaan natin itong mabuti dahil pag nawala pa ito ay mahirap ng ibalik.Buksan natin ang ating mga isipan hindi sa lahat ng panahon puso lang ang pinapairal. Kung minsan kapag puso lang ang pinapairal may pagkakataon na nagiging sakim tayo. Matuto tayong magbigay, hindi puro sarili lang ang palaging iniisip. Hindi rin lahat ng inaa-kala nating tama ay tama. Minsan sa buhay natin kailangan ding makagawa tayo ng pagkakamali upang matuto tayo. 


Sa loob ng apat na taon na pagsasama namin kahit maraming masasayang bagay at alala ay biglang nauwi lang sa wala. Hindi ko parin masasabing sayang. Dahil kahit wala na si Jena ay hawak ko parin itong lahat at alam kong ganun din siya. Sinasariwa ko parin lahat ng alaala. Marami pang bagay na naghihintay sa akin. Siguro sa loob ng apat na taon nararapat ko naring bigyan ng oras at panahon ang aking sarili. Panahon naman din para ayusin ko ang mga bagay bagay para sa aking buhay. Naniniwala ako sa mahika ng tadhana, na kung talagang para sayo eh kahit nawala ito ng matagal, kusa itong babalik. Ihahalintulad ko ito sa isang mahimbing na pagtulog. Pagising ko kinabukasan ay may mas magandang maliwanag na bukas na nakalaan para sa akin. Nararapat lang akong maghintay ng tamang panahon, kung kailan tama na ang lahat. Malinaw, maaliwalas at masaya.

SOCIAL CLIMBER

Sabay sa uso, kapit sa sikat , at trying hard. Yan ay ilan lamang sa palatandaan ng isang Social Climber. Bakit may mga taong ginugusto ang ganitong uri ng gawain? Anu nga bang nakukuha nila sa ganitong uri ng pamumuhay? Nakakalungkot isipin na hindi maganda ang ekonomiya ng bansa ngayon. Totoong maraming nagugutom, maraming batang lumalaboy sa lansangan. Maraming nakatira sa skwaters area. Pero bakit ang ilan sa atin eh nakukuha paring magluho ng kung ano ano at pinipilit parin ang mga bulsa kahit alam naman nilang hindi na kaya.


Karamihan sa mga naturingang Social Climber ay ang mga kabataan. Kadalasan College students. Mga studyanteng walang kakayanang buhayin ang kanilang mga sarili at nakasandal parin sa kalinga ng magulang. Malimit ko itong mapansin. Alam mo ba yung tinatawag na party animal? Ilan sa kanila ay napapabilang sa sirkulo ng mga Social climbers. Mahilig gumimik, pumunta ng mga bar at magdisco. Makipagsabayan sa mga magagarang kasuotan ng kanilang mga mayayamang kaklase. Inaaksaya ang tuition fee at allowance na ibinibigay ng kanilang mga magulang sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Makeup, expensive cellphones , mga mamahaling inumin o alak at ang pamosong starbucks. Anu nga bang nakukuha natin kung may picture tayong kasama ang isang baso ng kapeng ubod ng mahal? Nagiging sikat na ba ang tao kapag may primary picture siya sa facebook na umiinom ng starbucks? Maawa ho kayo sa mga magulang nyo utang na loob. Naghihirap sila para matapos kayo ng pagaaral. Saka na kayo magpakasusyal kung kaya nyo ng buhayin ang inyong mga sarili. At pakiusap wag kumupit ng pera sa wallet ng mga nanay at tatay nyo.


Hindi lamang natatapos sa mga party animal ang pagiging Social Climber. Maihahanay din sa kanila ang ilan sa mga mahihilig sa banda. Na kung tawagin namin ng aking mga kaibigan na "kapit sa sikat". Ito ay iyong mga taong pinagpipilitang makipagclose sa mga miyembro ng sikat na banda. Pinipilit nilang puntahan at subaybayan ang kanilang mga idolo kahit pa sa saksakan ng lalayong mga bar at ubod ng mahal na entrance. Saksakan ng aangas na pagdating sa bar eh nagpapalibre lang sayo ng alak. Pagkatapos eh manghihiram ng digi cam, magpapapicture sa mga idolong banda para masabi lang na close na sila. Pag dating ng uwian eh mangungutang pa ng pamasahe, nakakabadtrip. Nakakadagdag ba sa ating pagkatao kung malapit tayo sa mga sikat? Anu nga bang nakukuha natin? Dagdag pogi points ba ito sa mga kalalakihan at ganda points naman sa kababaihan?  Wala na ngang makain ang pamilya mo eh puro gig pa ang inaatupag mo. Magtrabaho ka naman huy! mahiya ka!


Isang bagay na maari kong ipagyabang. Hindi ako mahilig sa gadget, hindi ako mahilig sa mga signatured na damit , nangongolekta ako ng sapatos pero nakukuntento ako sa paghahalungkat sa ukay. Hindi ako mahilig kumain sa mga restaurant at mas trip ko sa karinderya ni Aling Nena. Pinakapaborito kong ulam ang tuyo at kamatis. Hindi ako mahilig gumala kung saan saan at magwaldas ng pera sa walang importansyang mga bagay. Kumakain ako ng street foods. Ang tanging luho ko sa katawan ay yosi o kung sabihin man nating mas may mahal ay yan ang pagpapatattoo. Ngunit kahit gumastos man ako ng libo sa mga tattoo ko eh siguradong pinaghirapan ko ang bawat kusing na ginastos ko. Naalala ko pa nung minsang sabihin sa akin ng kaibigan kong adik sa pagbili ng mga gadget pero isang estudyante "tol, sana naging katulad kita, ang simple ng pamumuhay mo".Mayabang nako nun! Mayabang haha! 


Sa buhay natin eh marami tayong hinahangad na materyal na bagay. Pero sana naman eh siguraduhin nating yung mga bibilin nating gamit eh mapapakinabangan natin. Sayang ang pera kung bibilin mo lang ang isang bagay para makapagyabang at pagkatapos ay hindi mo naman ito gagamitin. Maraming bagay na dapat pag-ukulan ng pansin. Isantabi natin ang ganitong gawain kapatid. Wala ka na ngang makain eh susyal kapa.Kumilos ng naaayon sa kaya ng ating mga bulsa. Kapag kapos manahimik sa bahay. O di naman kaya eh kung hilig mo talaga eh magbanat ka ng buto. Makuntento tayo sa kung anu mang meron tayo. Wag tayong maghangad ng mga bagay na hindi naman natin kaya. Magpasalamat tayo sa kung anu mang biyayang ibinigay sa atin.Higit sa lahat walang ibang tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili.Wag asa ng asa.Tandaan natin na mahirap tumanda ng paurong. Asikahusin natin ang mga bagay na mas may importansya. Matuto tayong tumimbang ng pagkakataon. Pag-aralan ang mga nararapat sa hindi. Responsibilidad sa buhay yan ang ating kailangan, hindi nararapat ang anu mang luho at magpanggap na mayaman.

Wag Kang Buraot! (Kwento ng Isang Rakstar)

Hindi sa lahat ng pagkakataon pag mabait sayo ang taong palagi mong kasama eh may gusto na sya sayo. Kadalasan itinuturing ka nyang pamilya. Hindi din lahat ng ating tinutiring na matatalik na kaibigan ay ating dapat pagsamantalahan. Wag nating abusuhin ang tulong na ibinibigay sa atin, bagkus atin itong pasalamatan. Matuto tayong tumanaw ng utang na loob at wag nating kalilimutan ang mga taong nagsasakripisyo at hinahatak tayo sa pataas. Sa totoo lang, masasabi mo lang kung sinong totoo mong kaibigan pag wala ng lamang kahit na singkong barya ang iyong bulsa. Tandaan natin hindi tayo dapat bumili ng kaibigan. Priceless ang mga taong nanatiling totoo sa kabila ng lahat.






Ako si Luis at ito ang aking kwento. Simula pa noong bata pa ako kilala ko na si Ada. Childhood bestfriend ko siya yun ang akala niya. Mabait siya sa akin at dahil wala siyang kapatid eh ako na rin ang itinuturing nyang kuya. Halos lahat na yata ng kilos at galaw ko kasama ko si Ada.Maging sa kulitan at kung anu anong kwentuhan ay nandon siya. Siya rin ang madalas kong kalaro sa basketball, totoo babae siya pero mas malupet pa siya sa akin. Talaga yatang pinag-aralan niya para lang makasama ako.Siya narin ang gumagawa ng mga project at assignment ko. Minsan nakakairita na, kung di lang niya ako madalas ilibre eh malamang pinagtaguan ko na siya. May kaya ang pamilya netong si Ada kung kaya naman lahat ng gustuhin niya ibinibigay ng kanyang mga magulang. At dahil ako ang itinuturing nyang bestfriend eh binibigay niya rin lahat ng gusto ko. Onting drama ko lang sa kanya eh naglalabas siya agad ng pera. Sa totoo lang pati luho ko ginagastusan na rin niya. Marami na din akong napuntahang lugar ng dahil kay Ada. Kahit pa hindi kaya ng bulsa kong pumunta sa mga malalayong lugar eh sagot niya na, back and fort pa sama mo na pati pagkain at pangyosi.Maging ang pinapangarap kong deftones concert napuntahan ko pa. Ewan ko ba, talagang pakiramdam ko nga eh may tama siya sakin. Tingin ko gusto niya talaga ko. Feeling ko nga bulag na siya eh. Walang siyang ibang kaibigan kung hindi ako lang at lahat ng sinasabi ko pinapakinggan at sinusunod niya. Para siyang tutang laging nakabuntot sa akin. Minsan nga hindi na ako makasama sa lakad ng mga tropa ko lalo na pag "for the boys only". Badtrip!


May sa demonyo na yata ang babaeng ito. Pati ba naman sa kolehiyong pinagenrolan ko eh dun din sya nagenrol. Parehong kurso at pareho kami ng schedule. Nakakaumay na, panu naman ako makakaporma sa mga hot chicks kung palagi siyang nakabuntot sa akin. Ang dami pa namang kartada dyis na babae sa campus. Badtrip na talaga ko sa kanya!Paano ko nga naman ididispatsa ang isang ito eh siya ang nagpautang ng tuition fee ko (lista sa tubig). Pero kahit na, hindi naman rason yun para bumuntot siya sa akin.Nang minsan namang tanungin ko siya kung may gusto siya sa akin eh minura nya lang ako, ".tangina mo ambisyoso ka magkaibigan tayo diba bakit mo iniisip yang mga ganyan,Ikaw na ang itinurturing kong kapatid, kaya malakas ka sakin" Binatukan pa nga niya ako. Tinanong ko din siya kung pwede ba akong maggirlfriend ang sabi niya sa akin, "bakit ka nagpapaalam eh hindi mo naman ako girlfriend, praning ka talaga Luis". Pero bakit hindi parin niya tinatantanan ang kakasama sa akin. Anu ba talaga ang pakay sa akin ng babaeng ito.


Marami na akong nakilalang mga bagong kaibigan, mga tol, pare ,tsong at dude malayong malayo kay Ada. Sawang sawa na ako sa presensya ng isang babae. Kailangan ko ng kumawala sa anino niya. Kadalasan pag pauwi na kami eh nagdadahilan nalang ako sa kanya na may pupuntahan pa ako at pinapauna ko na siya. At buti naman ay sinusunod niya. Pero bago pa man siya makauwi ay tinatanong niya ako kung meron ba akong pamasahe. Syempre alangan naman tanggihan ko pa, papaano ang "for the boys only at date sa mga kartada dyis na babae" kung wala akong pera. Inabutan niya ako ng 200 saktong sakto na to pwedeng pwedeng na akong makipaginuman sa mga classmate kong rakers may pulutan pang mani, iinom kami ng empraning light sa kanto dun sa may tindahan. Hindi naman kailangang mamahaling alak ang ipainom ko sa mga clasmate ko kasi rakers naman sila at hindi sila mapili. Niyakap ko si Ada, "hulog ka talaga ng langit Ada, salamat dito ah". Hinatid ko siya sa sakayan upang kahit papaano naman eh pampalubag loob. Baka kasi makahalata narin siya na pineperahan ko na lang siya. Pag-alis na pag-alis ng jeep na sinasakyan ni Ada ay binalikan ko na ang mga classmate kong rakers.Nagtungo kami sa tindahan at aming inumpisahan ang aming matinding inuman, nasabi ko nalang sa kanila. "Ang saya palang maging rakers mga tsong!". Sambay kampay ng kulay gintong likido sa aming mga baso. Para kaming mga gagu nung mga panahong yon kasi medyo nalalasing na kami.At bago pa kami magpagulong gulong sa aming mga kinauupuan ay dumating na ang mga kartada dyis na babae. Dito ko nakilala si Susan , napakaganda niya at ang sexy. Pasok siya sa lahat ng standards na hinahanap ko sa babae. Ang cool niyang kasama. At wala pang isang oras eh nakalinggis na siya sa akin. Ang tindi palang maging rakers, dinidikitan ka ng mga babae. Ayus pala ang ganito.


Nagpatuloy ang ganitong gawain,kinailangan kong sumama sa kanila ng madalas upang maging ganap na akong rakers at syempre para makasama ko si Susan, the girl of my dreams.


Tila ba nakakhalata na din si Ada dahil madalas eh hindi ko siya sinasabayang umuwi. Minsan hindi ko na din siya tinatabihan sa classroom. Mahirap na, baka masabihan pa akong bading ng mga classmates ko mga astig kasi laging babae kasama ko. Madalas eh hinahatid ko na lang siya pauwi. Napapansin ko din na nababawasan na ang ibinibigay niyang pera sa akin sa araw araw. Badtrip!, paano na ang mga painom ko neto. Kailangang gumawa ako ng paraan para hindi tuluyang mainis sa akin si Ada. Kinausap ko siya, kunwaring miss na miss ko ng makipagbonding time sa kanya. Niyaya ko siyang gumala doon sa madalas naming puntahan. Sa Quezon City Circle. "Ada, mauna kana doon sa Circle itetext na lang kita pag malapit na ako. May importante lang akong lalakarin, magingat ka". Oo naman ang bruha, syempre anu pa nga ba lagi naman niya akong sinusunod.


Bago pako pumunta sa lugar ng pag-uusap namin ni Ada eh, nagkita kita muna kami ng mga classmate kong rakers. At syempre nandun ang aking my baby labs na si Susan. Ang ganda ganda talaga niya. At talaga namang may ulam kana may kanin kapa san ka pa?. Mejo napashot na din at napasarap ang kwentuhan, nagtetext na din si Ada. "Luis, dito na me! San na u?Hihintayin kita txtback."Hindi ko pinansin ang text dahil talaga namang napapasarap si Susan, este ang inuman. Lumalalim na din ang gabi at tiyak kong hininitay parin ako ni Ada. Magsisiuwian na ang lahat, at ihahatid ko na si Susan sa sakayan dahil wala na din akong oras na ihatid siya sa kanilang bahay. Bago pa kami makarating sa sakayan, eh may binulong sa akin si Susan. Hulaan niyo kung ano? Ummmmm magmomotel daw kami mga tsong. Saktong sakto naman tong binigay na 500 sa akin ni Ada kanina, pangkain sana namin to mamaya pag nagkita kami pero papaliwanag ko nalang sa kanya sigurado namang maiintindihan niya ako. First time ko pa naman kaya hindi ko pwedeng palampasin ang mainit na tagpo na ito.Narating namin ni Susan ang isang motel at doon kami pumasok at nagpalitan ng maiinit na sandali. Talaga namang ang lupet ni Susan at pinaligaya niya ang mundo ko. Panay ang tunog ng cellphone ko ring ng ring pero hindi ko masagot dahil talaga namang matindi at ayaw akong tigilan ni Susan. Nang mapagod na siya nagpasya muna siyang matulog. Dali dali ko namang inabot ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko. 10 misscalls at tadtad ng text, nako naman naloko na si Ada nga pala kanina pa ako hinihintay. Nang mabasa ko ang huling text nya," Luis nasan kanaba, natatakot na ako dito. Ang daming tambay dito. Nasan kanaba?, pakiusap dumating kana". Pagkabasa ko ng huling mensahe na iyon ay dali dali akong nagyaya kay Susan na umalis. Pinakiusapan ko na din siyang umuwi ng magisa. Tila ba may, kaba akong maramdaman para kay Ada ng mga oras na iyon nagalala ako. Dali dali akong pumunta ng Circle at ni kahit isang reply eh wala pa akong narerecieve mula sa kanya. Inikot ko ang buong lugar at wala akong nakita. At ng mapagod ako ay nagpasya nalang akong umuwi. Siguro ay nainip na siya sa kakahintay kaya't naisipan nya na lamang siyang umuwi. Bukas na lang ako hihingi ng tawad.


Kinabukasan...


News Flash sa T.V : Isang babae natagpuan sa bakanteng lote malapit sa Quezon City Circle ginahasa at natagpuang patay. Ayon sa mga nakakita namataan daw nila ang babae sa mismong Quezon City Circle kagabi mga bandang alas dyis ng gabi at matagal doon na,tila ba parang may hinihintay. Balisa ito, at may tinatawagan,ngunit bigla na lang itong nawala sa paningin ng mga taong nandoon.............

Sa Lumang Swing (Tula)



Iginuhit ang lumang alaala

Mga bagay na hindi mo na makita

Tatlong taong hinubog na memorya

Sa paglipas ng taon ako pa kaya'y iyong makilala

Mga halakhakang kay tamis

Kulitang walang kasing bangis

Dito'y ating ipininta ang mga hugis

Kaakibat ang mga sumpaang hindi ko na mabigyan ng wangis

Ako';y muling umupo

Sabay ang patak ng mga luhang tila may dugo

Ngayo'y tila ang lahat mabilis ng naglaho

Ang ating kahapon tuluyan na nga bang gumuho?

Maalala mo pa kayang bisitahin

Ang lumang swing iyong kamustahin

Nangangarap ng isang umaga ng muling pagdating

Ng sa gayon, isang bagong hangin ang muling pumukaw sa naghihikahos ng damdamin.

Ma-cheesy Lines at kung Anu-ano Yow!


  • Kung gutom ka lang ikinain nalang kita kasi "ikaw ang aking almusal,tanghalian sama mo na pati hapunan. Ikaw ang hot choco na palagi kong iniinom sa umagang maginaw. Ikaw ang pinakamatamis at pinakamapait na nalasahan ko sa buong buhay ko. Sana nga naging pagkain ka na lang.
  • Wag mong isarado yang puso mo, wag mo ding madaliing buksan. darating ang panahon, darating siya sa di inaasang oras at minsan magugulat kapa kasi hindi pa siya yung taong iyong inaasahan.
  • Am I  realy falling bacause sometimes I'm making kutingting with nothing. And make tunganga while staring at your picture on the ding ding.
  • Masarap magmahal ang chubby. Dun nako sa juicy kesa sa choosy.
  • Ikaw ang sakit ko, ikaw lang din ang gamot ko. You are my sweetest drug.
  • Hindi lang sa facebook, tumblr at twitter, I'll follow you everywhere.
  • Masakit na kung masakit. Sakripisyo mo na gago!, putangama wag kang magreklamo nagmamahal ka eh.
  • Ikaw ang tubig sa gripo pag ako'y maliligo, ikaw ang hangin, ikaw ang kulay bughaw na kalangitan.Ikaw ang aking panaginip ikaw din ang aking bangungot.Ikaw na lahat,IKAW NA!
  • Bakit pag inlove ang tao, buong sistema niya apektado?
  • Baka naman hindi mo lang napapansin, ako'y may lihim din na pagtingin!
  • Sa tindahan: Ate pagbilan nga ng isang kilong guts? Kailangan ko lang pampalakas ng loob!
  • Pag nagmamahal ba ang tao, kailangang may dahilan? Hindi naman lahat ng bagay at nangyayari may explanation diba?
  • Hindi lahat ng nagmamahalan kailangang magka-relasyon.
  • Ang pagmamahal ay hindi lang nasusukat sa relationship status sa facebook.
  • Kung bakit naimbentong ang compound word na SECRET ON, yung ay dahil maraming ipinanganak na pakialamera.
  • Bakit pag mapagbiro kang tao, kadalasan hindi sila naniniwala kahit pa sobrang mamatay kana sa pagiging seryoso?
  • Bakit minsan kahit alam na natin yung sagot, tinatanong pa natin? 
  • Bakit pag ibang tao ang inlove nakokornihan tayo? Pero pag tayo naman ang inlove di natin napapansin korni din pala tayo?
  • Kalahating puso sayo, kalahating puso sakin. Sapat na para buoin ang isang pusong tumibok.
  • Hindi mo dapat sisihin ang kung sino sinong tao bat ka nasasangkot sa mga Its complicatedna sitwasyon. Subukan mong tanungin minsan ang sarili mo, hindi kaya kasalanan mo din kung bakit?
  • Hindi pa ipinapanganak ang taong mamahalin mo bukod sa akin. Ipapanganak ko palang.Magiging anak natin.
  • Bakit pag babae ang nanligaw ang sagwa tignan?
  • Ang pag-ibig dapat parang pera, tinitipid para hindi nauubos.
  • Ang bitterness at sweetness ay hindi emosyon, lasa! Tandaan mo lasa! (pag ba may jowa kang may asim pa sasabihin ba sayo.. uyyyy ang SOURNESS! :))
  • Tanong: Pano mo malalamang inlove ka? Sagot: Pag naging tanga kana!
  • Bakit yung ibang tao, ang gagaling magadvice pero sarili nilang lovelife di nila maayos?
  • Madalas inuunahan natin ang tadhana, mas pinipili nating hindi masaktan. Kaya sa unang tibok palang ng puso natin pinipigilan na natin itong pumintig.Hindi bat mas masakit ang mga bagay kapag andun na tayo sa puntong nagsisisi na tayo? 
  • Go lang teh, kaya mo yan. Kahit masakit pa ang kahihitnan. At least kahit fail pa yan, nagampanan mo ang hindi mo dapat tinatalikuran. 
  • Utak daw minsan ang dapat pinapairal. Bakit pag sinabi bang pagibig utak ang pinapagana? Anu yan exam,kailangang magreview? 
  • Bakit ang dami kong tanong?
  • Bakit ang dami kong sinasabi?
  • Bakit ang daldal ko? 
  • Ako ang may akda, wag kang magreklamo.

Masamang Panaginip



      Isang magandang umaga ang gising ni Aron. Ginising siya ng matatamis na text ni Sandra.Si Sandra ang super hot na napapabilang sa lifestyle of the rich and famous na grupo sa school nila nung high school. Talaga namang hindi maitatanggi ang angking kaseksihan ng dalaga. At ang nagpapasaya kay Aron, ay patay na patay sa kanya ang dalaga kahit alam pa nitong matagal na silang magkasintahan ni Vanessa.Si Vanessa ang long time girl friend ni Aron.Since highschool sila na at malapit ng ikasal.


       Sa tagal ng limang taong pagsasama ni Aron at Vanessa ni kahit minsan ay hindi gumawa ng kalokohan si Aron. First girlfriend, kiss, touch and everything ang labanan at ganun din naman ang dalaga sa kanya. Hinding hindi siya gumawa ng kahit anu mang panloloko sa dalaga. Kahit pa noon pa man ay pilit na siyang kinukulit at nilalandi ni Sandra hindi niya ito pinapatulan. Minsan ay sumasagi din ito sa utak ni Aron."Wala naman sigurong masamang tumikim ng ibang putahe, titikim lang naman ako".


       Paulit ulit iniwasan ni Aron ang ganitong ideya.Gusto niya kasing manatiling tapat kay Vanessa hanggang sa huli. Ayaw nyang gumawa ng ikakapahamak ng kanilang relasyon.Ngunit isang umaga, isang masamang hangin ang pumasok sa kokote ng binata.Nagtext si Sandra. Magisa lang daw ito sa condong tinitirahan,naghahanap ng kausap. Naghanda daw ito ng onting makakain at inumin.Sa hindi malamang dahilan,ay nagpasya si Aron na bisitahin si Sandra sa kanyang inuupahang unit.


        Alas syete ng gabi ng dumating si Aron sa unit, marahan itong nagdoorbell.Nagbukas ng pintuan ang seksing seksing si Sandra sa kanyang Lingerie Dress."Ohhh bakit ganyan ang suot mo?".Wika ng binata habang tulala sa magandang hubog ng dalaga."Ah eh wala nagiinit kasi ako, este mainit kasi.Halika tuloy ka?"Matapos maghapunan, naupo ang dalawa sa sofa, kung saan nakaharap sa kanila ang ilang bote whiskey.Ginugol ang tumatakbong oras sa pagtagay ng nakakalasing na likido at paguusap.Bawat lagok sa baso, ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa bawat isa. Nararamdaman na ni Aron ang tama ng alak sa di katagalang oras sapagkat hindi naman talaga ito umiinom.Lumipas ang inaakalang mahabang oras, naalala ni Aron si Vanessa."Hindi na ako maaaring manatili Sandra, lumalalim ang gabi".Sa mga panahong iyon ay nakokonsensya na si Aron, hindi nya na alam ang gagawin dahil hilong hilo na siya at gusto na niyang umuwi.Tumayo ito patungo sa pintuan,ngunit biglang natumba.Dali dali siyang inalalayan ng dalaga."Lasing kana Aron,hindi iyan ang tamang pintuan".Inalalayan ni Sandra si Aron, papasok sa kwarto nito.


       Inihiga ni Sandra ang binata sa kanyang kama at unti unting tinanggalan ng saplot."Anung ginagawa mo Sandra?".Malakas na boltahe ng kuryente ang naramramdaman ni Aron ng mga panahong iyon.Totoong lasing na siya pero malinaw na malinaw sa kanyang mata ang hubad na katawan ng dalagang nakadantay sa kanya.Hindi na napigilan pa ni Aron.Napalunok siya at tuluyang tinikman ang panibagong putaheng nakahain sa kanyang harapan.Kasulukuyang ninanamnam ng binata ang rurok ng saktong nagring ang cellphone nito.Sa lubusang pagkabaliw at kalasingan hindi na nito napansing sinagot ni Sandra ang tawag.Si Vanessa sa kabilang linya.Rinig na rinig ng kasintahan ang kalokohang ginagawa ng nobyo."Ahhh sige pa Sandra, galingan mo pa".Nang dumilat ang binata napansin niyang hawak ni Sandra ang kanyang telepono.Dali dali niya itong kinuha."Break na tayo",at bagsak sa kabilang linya ang tanging narinig ng binata.Wala na siyang lakas para umuwi at talaga namang pagod na ito. Unti unti niyang kinalma ang kanyang sarili. Nasa impluwensya parin siya ng alak ngunit tila ba nahimasmasan ng onti dahil sa pangyayari.Balisa at tuliro siya,alam niya sa sarili niyang nagkamali siya.Nakatulog na din si Sandra.Patak ng luha at mahinang paghangos ang nasaksihan ng gabi.Unti unting hindi namalayan ni Aron hanggang sa siya ay makatulog.


      Isang magandang umaga ang gising ni Aron.Ginising siya ng matatamis na halik ni Vanessa.Ipinaghanda pa siya nito ng almusal.Saglit natulala ang binata.Panaginip lang pala ang lahat.Niyakap ng mahigpit at hinagkan niya ang nobya.Umusal ng maikling panalangit at nagpasalamat."Maraming salamat po panginoon,hinding hindi ko na po iisiping magtaksil sa aking nobya".Nawala sa agam agam ng binata ang nararamdamang pagnanasa kay Sandra.Mas inisip nitong kailangan niyang manatiling tapat sa kasintahan sa habang buhay nilang pagsasamahan. Maraming salamat sa babala.Hindi niya na magagawang isakripisyo ang tagal ng kanilang pinagsamahan sa isang gabing init ng katawan.Maraming salamat sa masamang panaginip.

Tsokolate ng Buhay



Ako si Lily. Isa akon volunteer nurse sa isang Home for the Aged na tinawag na Bahay Kalinga. Masaya ako sa ganitong gawain dahil lumaki ako sa puder ng dalawang matanda. Ampon ako ni Lola at Lolo mula sa isang Orphanage at inabanduna ng aking tunay na mga magulang.Hindi tulad ng ilang ulilang bata ay hindi ako lumaki na puno ng sama ng loob sa mundo. Binusog ako sa pagmamahal ng aking Lola at Lolo.Hindi naman ako nagkulang sa pangangailangang pinansyal dahil ipinamana lahat sa akin ang mga ari-arian ng dalawang matanda ng sila ay pumanaw sa kadahilanang wala silang anak.


Simula pa noong bata pa ako ay mahilig na ako sa tsokolate. Ito ang tanging nagpapatahan sa akin sa pag-iyak. Kaya naman hanggang paglaki ko at mawala si Lola at Lolo ay tsokalate ang ginawa kong sandalan upang hindi maging malungkot.Tila ba may kakaibang lasa ang tsokolate, kung kaya naman eh araw araw akong nagbabaon nito. Kahit saan ako magpunta ay may tsokolate ako sa bulsa.


Nakilala ko sa Bahay Kalinga ang isang matandang babae si Lola Conchita. Nakawheel chair na ang matanda at medyo mahina na dala ng katandaan.Ibang Inatasan akong magalaga ng ibang matanda ngunit para bang may nagtutulak sa aking lapitan at arugain ang matanda.Madalang siyang kumain, matamlay at madalas mag-isa. Madalas niyang sungitan ang iba pang mga nurses at mainitin ang ulo ng matanda.


Hindi ko na mapigilan ang aking sarili isang araw ng makita kong itinataboy ni Lola ang isang nurse na nagpupumilit siyang pakainin. "Lola, kumain na ho kayo, manghihina kayo sa ginagawa nyong yan eh." Narinig kong sabi ng nurse. "Sinabi ng ayaw ko ng pagkain na iyan eh". Naglakas ako ng loob lumapit sa matanda kumapa ng ilang piraso ng tsokolate mula sa aking bulsa. "Lola ito po, gusto niyo?" Nakangiti kong inabot sa matanda ang ilang piraso ng tsokolate.Dali dali niya itong kinuha at binuksang para kainin."Paano mo nalamang ito ang gusto ko?", tanon niya. "Yan din ho kasi ang hinahanap ko sa mga oras na wala akong ganang kumain".


Nakakatuwang isipin na nagkasundo kami ni Lola Conchita ng dahil lamang sa tsokolate. Natutuwa akong bumalik ang onti sigla sa muka ng matanda magbuhat ng bigyan ko siya nito. Hindi na mainitin ang ulo niya at nakakasilip ako ng mga ngiti sa kanyang mga labi. Kung kaya naman araw araw ay binibigyan ko siya ng tsokolate. Katulad ko ay may malaking kinalaman sa buhay niya ang pagkain ng tsokolate. Nang minsan magkakuwentuhan kami ay dito niya inilabas lahat.Habang kumakain kami ng paborito naming tsokolate.


"Ineng, maaga akong nabalo ng aking asawa mula sa isang aksidente. Biniyayaan kami ng isang supling na babae at naging katuwang ko sa buhay,ngunit di kalaunan ay kinuha din sa akin sanhi ng isang karamdaman. Natutuwa ako sayo dahil katulad ko ay mahilig ka din sa tsokolate. Naalala ko pa noong mga panahon na nililigawan palang ako ng aking asawa ay tsokolate ang madalas niyang ipasalubong sa akin. Dahil din sa pagkaing ito kung bakit kami nagkatuluyan. Ganun din ang kaisa isa kong dalaga na si Julia. Madalas niya akong bigyan ng tsokolate tulad ng kanyang ama. Naniniwala kasi siyang yoon lamang ang tanging nagpapaligaya sa akin sa mga panahong malungkot ako. Akala ko nung una eh kakayanin kong wala ang aking kabiyak, sapagkat nandyan naman si Julia. Sa panahong binawian ng buhay ang aking nagiisang anak ay nawalan na din ako ng pagasang maging masaya. Wala ng nagbibigay sa akin ng tsokolate. Para kasi sa akin hindi ang napakasarap na lasa ng tsokolate ang pinakamasayang parte, kundi yung sayang dulot ng taong nagbibigay nito sa akin. Yung may nagaabala at umiintinding pangitiin ako sa mga oras ng akin kalungkutan. Nang maulila ako sa buhay ay hinalintulad ko sa pagkaing ito. Ang buhay ay parang tsokolate, merong matamis pero minsan meron ding mapait. May iba't ibang hugis at hitsura din ang mga ito, tulad ng taong may kanya kanyang uri ng pag-uugali. Inisip ko nuon na wala ng kasing pait ang buhay ko at hindi ko na magagawang gawing matamis pa ito. Hanggang sa dumating ka Lily, muli ay binigyan mo ako ng tsokolate. Binigyan mo ng tamis ang aking mapait na buhay dito sa Bahay Kalinga."


Simula nuon ay naging lalong naging matamis ang bawat araw na amin pagsasama ni Lola. Nakita ko sa kanya ang aking sarili. Pareho kaming ulila sa mahal sa buhay, kung kaya naman ay itinuring namin ang isa't isang pamilya.Alam kong hindi katagalan ay kukunin na si Lola dahil may katandaan na ito.Ngunit gayunpaman ay ginagawa kong positibo ang lahat. Pinipilit kong pasayahin siya sa bawat oras na nalalabi ng kanyang buhay. Araw araw ay dinadalan ko siya ng pagkaing nagpapangiti sa kanya at sabay namin itong kinakain.


Isang umaga dali dali akong pumunta sa Bahay Kalinga. Isang tawag ang madaling nagpabangon sa akin mula sa pagkakahiga.Nag-aagaw buhay na daw si Lola.Nagmadali ako sa pagpunta doon. Nang marating ko ang gusali ay dali dali akong pumunta sa kwarto kung saan nakahiga ang matanda. Inabutan ko itong maputla at nanghihina na. "Lola ayus ka lang ba? anung nararamdaman mo?". Dali dali kong inutusan ang mga kapwa ko nurse upang tumawag ng ambulansya at itatakbo na namin sa ospital si Lola. "Anak huwag ka ng magabala, hindi na ako magtatagal. Nagpapasalamat ko sa kaunting panahon na ipagnakloob sa ating dalawa. Sanay manatili kang matatatag at walang sawang maging dahilan ng pagngiti ng lahat". Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pang lumuha. Itinuro niya ang isang maliit na kahon sa ibabaw ng mesa. Dali dali ko naman itong kinuha. Ngunit pagbalik ko muka sa sa pagkuha ng kahon ay nawalan na buhay ang matanda. Patuloy ang pag-agos ng maiinit na butil ng tubig na umaagos mula sa aking mga mata. Binuksan ko ang kahon ng ipinakuha niya sa akin. Doon ay may nakalagay na isang chocolate bar at isang liham. Binasa ko ang sulat.


Lily,


Anak, alam kong malulungkot ka sa sandaling mawala ako. Ito ang isang piraso ng tsokolate nais kong kainin mo ito. Huwag ka ng umiyalk., ayaw kong malungkot ka. Masaya na ako kung saan man ako papunta ngayon Lily. Alam kong duon sa patutunguhan ko ay maraming magaabot sa akin ng tsokolate. Nanduon sila na magbibigay sa akin ng ngiti at saya. Alam kong balang araw ay matatagpuan mo isang taong magbibigay ng tamis sa buhay mo. Hinihiling kong maging masaya ka Anak, maraming salamat sa kaunting oras na inilaan mo sa akin. Mahal na mahal kita.


Lola Conchita.


Ilang araw na mula ng ilibing si Lola,malungkot parin ako. Minsan ay hindi ko mapigilang umupo sa isang lugar sa Bahay Kalinga at umiyak. Alam kong ayaw ni Lola na maging malungkot ako. Ngunit minsan ay hindi ko paring maiwasan. Naglakad lakad ako sa palibot ng gusali. Inalala ko ang mga masasayang araw noong kasama ko pa si Lola. Umupo ako sa isang lilim ng puno kung saan madalas ay nag-uusap kami ng matanda. Dito ay hindi ko na naman mapigilan ang pag-iyak. Hanggang sa... "Gusto mo?". Isang lalaki ang nagaabot sa akin ng tsokolate. Kinuha ko naman ito at ngumiti. "Ako nga pala si Jake bagong volunteer dito, anung pangalan mo?

Sagradong Halaman

BABALA: Ang aking akda ay tungkol sa isang maselang issue na tanging ang mga nakakagamit lang ang nakakaalam, hindi ko ninanais na ika'y impluwesyahan ang nais ko lang ay magkaroon ka ng kahit kakarampot na kaalaman.


Marahil ay makakarelate ang mangingilan ngilan sa aking sulatin ngayong araw.Yung iba namang pakiramdam nila ay ok sila sa kanilang buhay at hindi matuturing "adik" eh walang magiging pakialam.Tama,our lesson for today is all about the herb,or the so called Marijuana.


Isang Senaryo kasama ang mga MOTHER BEE :


Naglalakad ako minsan sa kahabaan ng isang eskinita mula sa dati kong apartment na tinutuluyan, maraming mga tambay at naguumpukan sa mga gilid gilid. At seyempre hindi mawawala ang mga mother bee sa paligid. Napahinto ako sa isang tindihan kung saan sila nagchichismisan.Naisipan ko na magpahinga muna panandalian dahil sa sobrang tirik na init ng araw. Tila ba'y nagpanting ang aking mga tenga ng marinig kong ako ang pinaguusapan nila.Narinig ko ang mga bulungan, "adik ata ang babaeng yan, masamang impluwensya tsk.tsk.tsk",sabi ng isang ale na walang hinto ang bibig sa kakadakdak. Yung isa naman ang nagwika, "nagmamarijuana daw yan, kita niyo naman tattoo-an pa. Huminahon na lamang ako at hindi ko sila at pinilit kong magbingibingihan sa kabila ng mga matatalim na bunganga na nasa gilid.Palibhasa ay madalang nila akong makita, sa kadahilanang nagtratrabaho ako pag gabi at tulog sa umaga.At malamang sa oras ng restday ko ay naamoy nila ang halimuyak ng usok mula sa aking kwarto. Pasalamat sila at may respeto pa ako sa matatanda. Sa isip-isip ko nalang ay "F*** you and yes I smoke the sacred weed,at wala kayong pakialam wala kasi kayong mga alam". Nilayasan ko ang mga manang at nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Isang Paala-ala :


Para po inyong kaalaman ay hindi ko tinutuligsa ang sinasabing niyong mali. Inaamin ko, I violate the government law about marijuana,because I smoke it. Sucks man, but i don't think na violation na yun as long as hindi ako nahuhuli. haha.Marami pong hindi nakakaalam sa atin sa mabubuting dulot ng aking itunuturing na sagradong halaman.Herb can be use as medicine and can cure while alcoholic drinks or any liquor do not.Tandaan din po natin na lubhang nakakasira ang paninigarilyo, higit pa sa iniisip niyong marijuana na tinitira ng mga kagaya kong naniniwala. If marijuana was addictive, tobacco would still be more addictive because you get withdrawal effects unlike marijuana.Karamihan po kasi sa atin ay nabrainwash na din sa ideya na ang marijuana ay tulad ng cocaine,hindi.Lubha pong napakalayo ng diperensya.


Kaibigan, atin pong tandaan na ang lahat ng tumutubo sa lupa ay gawa ng Diyos na maykapal.Anu mang nilalang ng Diyos ay hindi maaaring lapastanganin ng kahit na sino mang nilalang sa mundo, at ito rin ay nangangailangan din ng kaukulang respeto mula sa kapwa nito nilalang. Ngayon kung ating iisipin ang tinutukoy kong sagradong halaman ay tulad ng isang gulay na maari nating kainin. Mas lubos na pumipinsala sa ating mga ugat ang gawa ng tao. Anu mang may halong kemikal ang iyong hinihithit, sinisindihan at kinakain ay higit na nakapipinsala. Bago niyo tuligsain ang aking lathalain ay sana mabigyan nyo ako ng isang kongkretong basehan kung bakit kinakailangan akong huminto.Para sa akin isang bagay lang naman kung paano ito makakasama, lahat ng bagay na sumusobra ay hindi tama. Kung ating aabusuhin ang paggamit ay hindi rin magdudulot ng mabuti para sa nakararami. Wag po nating abusuhin.At utang na loob, wag po nating gamitin upang makisabay lang sa inaakala nating uso, o para masabi lang na rakers ka at astig.


Sa aking opinyon ay maiging magbasa tayo,educate ourselves ika nga. Maari din pong magtatanong sa ating mga tinatawag na eksperto (may kilala ako,gusto niyong makilala?)Buksan natin ang ating mga isipan,mas mabuting subukan ang lahat ng bagay ng may kaukulang kaalaman. Kung ipapaliwag ko lahat dito ay malamang humaba at umabot pa hanggang bukas ang iyong pagbabasa (all about Rastafariansm) ang haba diba? Nais ko lamang gisingin ang inyong kamalayan na hindi lahat ng iniisip niyong mali ay hindi tama.Na wala nang mas tatalino sa Diyos na may lalang sa atin at sa buong sanlibutan.Happy 420 kaibigan! Kapayapaan, Pagmamahal at Musika.=)


QUOTABLE QUOTATION:


i know and the world that herb was created for the use of man herb was here before man so that means if man controls violate the laws of who created herb cause herb is not an illusion, it is creation and it was created by a divine man for a divine purposes.


—Bob Marley February 6, 1945 - May 11, 1981 (cause of death melanoma HINDI MARIJUANA.)