- D.20. Kahit pa mabusisi mong pagplanuhan ang mga bagay-bagay, wala ka pa ring kasiguruhan lalo kung habambuhay na ang haba ng panahon na pinag-uusapan.
- F.28 Mahuhulog tayo sa kanya-kanya nating bangin. Hindi natin alam kung hanggang kelan, at kung gaano kalalim ang ating huhulugan. Dapat mong malaman na mas masakit ang bagsak kapag sa mas malalim na bangin ka malalaglag.
- G.32.‘Pag may hawak ka, gamitan mo ng dalawang kamay para protektahan s’ya; kahit pa alam mong kaya mo s’yang pagkasyahin sa isa. Hindi rin mabubuhay ang isang bagay kung masasakal lang s’ya.
Source : Talipandas Love Qoutes(http://jumpingsalad.wordpress.com/)
"Ken,break na tayo! Pasensya kana pero hindi ko na talaga kaya. Nasasakal na ako".Yan ang mga huling salitang dumurog sa aking puso, mga huling salitang namutawi sa labi ni Jena.Ganito pala kasakit sa pakiramdam. Matapos ang apat ng taon naming pagsasama bilang magboyfriend at girlfriend.Yung tipong akala ko kayo na forever pero hindi pala. Ang sabi nga nila you should expect the unexpected.Pakiramdam ko guguho ang mundo ko nung mga panahong iniwan nya ko. Araw araw umiinom ako para kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit. Nagkukulong ako sa kwarto maghapon magdamag. Matutulog, sa panaginip ko nakikita ko parin si Jena masaya kami.Pero paggising ko back to reality ang lahat ng mga bagay. Sa loob ng apat na taon ay ibinuhos ko lahat ng panahon ko kay Jena. My family knows her already,palagi pa nga siyang nandito sa bahay eh. Ako din naman ay close ang mga kuya niya. Sa loob ng apat na taon ay punong puno kami ng mga pangarap. Maraming bagay na kaming pinagdaanan.Kung kaya naman, hindi ko matanggap na parang alikabok lang na hinipan ng hangin ang lahat.
Naalala ko pa nung mga panahong naguumpisa palang kami.....
"Jena, will you be my girlfriend?"
"Yes, Ken. From now on I am your girlfriend."
Walang pagsidlan ang sayang nadarama ko ng mga araw na yun. I never experienced that feeling with Jena compared to other women.Siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Ni kahit minsan hindi sumagi sa utak ko na maghanap ng ibang babae for goodtime.Kapag may problema,tulungan kami sa isa't isa. Even with financial matters,kami parin ang nagdadamayan. Hindi ko maitatangging meron narin mga naging hadlang sa pagsasama namin. Andyan na ang pagseselos,isang dahilan kung bakit talaga namang nahigpitan ko si Jena.Nawalan na sya ng panahon para sa kanyang sarili. Buong mundo nya umikot nasa akin. Sa loob ng Apat na taon, hindi niya nakuhang enjoyin ang mga panahon kasama ang kanyang mga kaibigan.Sensitive akong masyado pag may mga lalakeng umaaligid sa kanya.Even the issues about her past relationships still becomes a big deal to me. Pakiramdam ko naging sakim ako. Narealize ko yun lahat ng magdesisyon si Jena na magbreak na kami for good. Totoong nasa huli ang pagsisi.Kung mas napaaga ko sanang narealize lahat ng iyon siguro okay parin kami hanggang ngayon.
I tried to win her back, but theres no use. Ayaw na niya. Kahit parents ko kinausap na siya na baka maaaring pagusapan ang lahat.Pero wala na talaga. Sumuko na siya. Pero hindi parin ako sumusuko,gusto ko paring bumalik ang dati. Gusto ko habang buhay kong makasama si Jena. Shes all I need. Siya lang ang kokompleto sa buhay ko. Kinausap na din ako ng Mommy niya, na kahit nasa ibang bansa ay nagaalala sa akin. "Anak, tatagan mo. Kung kayo talaga ng anak ko hanggang sa huli ay kayo." Maraming tao din ang naapektuhan sa pagbrebreaknamin. Pamilya,kaibigan, at kaklase. Lahat nagulat sa nangyari. Hindi ko siya masisi,sa naging desisyon niya. Ang laki ng pagkakamali ko kay Jena.Sising sisi ako. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat. Pero sabi nga nila humawak at kumapit daw ako kay "tadhana". Malay mo naman dumating yung panahon na magkabalikan kami.
"I still want the best for you". Yan ang huling message na natanggap ko kay Jena. Matapos ang isang buwan na hindi na kami magkasama.Positibo parin ang pagiisip niya sa kabila ng nangyari sa amin.Aaminin kong nasasaktan akong pag nababalitaang may mga lalakeng nanliligaw sa kanya. Pero wala na akong karapatan pang pagbawalan siya. Sa kabilang banda masaya narin akong makita siyang masaya sa piling ng kanyang mga kaibigan. Malaya siyang nagagawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Bagay na pinagkait ko sa kanya noon.
Ang bawat relasyon ay kailangan ng pangunawa.Hindi lahat ng inaakala nating nasa kamay na natin at hinahawakan natin ng mahigpit ayhindi na mawawala. Kailangan ng alalay. Tulad ng isang ibon na hawak mo sa iyong mga kamay at napaamo ay magnanais paring makawala at magkaroon ng paglaya. Kapag hawak na natin ang matagal nating inaasam dapat alagaan natin itong mabuti dahil pag nawala pa ito ay mahirap ng ibalik.Buksan natin ang ating mga isipan hindi sa lahat ng panahon puso lang ang pinapairal. Kung minsan kapag puso lang ang pinapairal may pagkakataon na nagiging sakim tayo. Matuto tayong magbigay, hindi puro sarili lang ang palaging iniisip. Hindi rin lahat ng inaa-kala nating tama ay tama. Minsan sa buhay natin kailangan ding makagawa tayo ng pagkakamali upang matuto tayo.
Sa loob ng apat na taon na pagsasama namin kahit maraming masasayang bagay at alala ay biglang nauwi lang sa wala. Hindi ko parin masasabing sayang. Dahil kahit wala na si Jena ay hawak ko parin itong lahat at alam kong ganun din siya. Sinasariwa ko parin lahat ng alaala. Marami pang bagay na naghihintay sa akin. Siguro sa loob ng apat na taon nararapat ko naring bigyan ng oras at panahon ang aking sarili. Panahon naman din para ayusin ko ang mga bagay bagay para sa aking buhay. Naniniwala ako sa mahika ng tadhana, na kung talagang para sayo eh kahit nawala ito ng matagal, kusa itong babalik. Ihahalintulad ko ito sa isang mahimbing na pagtulog. Pagising ko kinabukasan ay may mas magandang maliwanag na bukas na nakalaan para sa akin. Nararapat lang akong maghintay ng tamang panahon, kung kailan tama na ang lahat. Malinaw, maaliwalas at masaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento