My Blog List
Martes, Agosto 9, 2011
Tsokolate ng Buhay
Ako si Lily. Isa akon volunteer nurse sa isang Home for the Aged na tinawag na Bahay Kalinga. Masaya ako sa ganitong gawain dahil lumaki ako sa puder ng dalawang matanda. Ampon ako ni Lola at Lolo mula sa isang Orphanage at inabanduna ng aking tunay na mga magulang.Hindi tulad ng ilang ulilang bata ay hindi ako lumaki na puno ng sama ng loob sa mundo. Binusog ako sa pagmamahal ng aking Lola at Lolo.Hindi naman ako nagkulang sa pangangailangang pinansyal dahil ipinamana lahat sa akin ang mga ari-arian ng dalawang matanda ng sila ay pumanaw sa kadahilanang wala silang anak.
Simula pa noong bata pa ako ay mahilig na ako sa tsokolate. Ito ang tanging nagpapatahan sa akin sa pag-iyak. Kaya naman hanggang paglaki ko at mawala si Lola at Lolo ay tsokalate ang ginawa kong sandalan upang hindi maging malungkot.Tila ba may kakaibang lasa ang tsokolate, kung kaya naman eh araw araw akong nagbabaon nito. Kahit saan ako magpunta ay may tsokolate ako sa bulsa.
Nakilala ko sa Bahay Kalinga ang isang matandang babae si Lola Conchita. Nakawheel chair na ang matanda at medyo mahina na dala ng katandaan.Ibang Inatasan akong magalaga ng ibang matanda ngunit para bang may nagtutulak sa aking lapitan at arugain ang matanda.Madalang siyang kumain, matamlay at madalas mag-isa. Madalas niyang sungitan ang iba pang mga nurses at mainitin ang ulo ng matanda.
Hindi ko na mapigilan ang aking sarili isang araw ng makita kong itinataboy ni Lola ang isang nurse na nagpupumilit siyang pakainin. "Lola, kumain na ho kayo, manghihina kayo sa ginagawa nyong yan eh." Narinig kong sabi ng nurse. "Sinabi ng ayaw ko ng pagkain na iyan eh". Naglakas ako ng loob lumapit sa matanda kumapa ng ilang piraso ng tsokolate mula sa aking bulsa. "Lola ito po, gusto niyo?" Nakangiti kong inabot sa matanda ang ilang piraso ng tsokolate.Dali dali niya itong kinuha at binuksang para kainin."Paano mo nalamang ito ang gusto ko?", tanon niya. "Yan din ho kasi ang hinahanap ko sa mga oras na wala akong ganang kumain".
Nakakatuwang isipin na nagkasundo kami ni Lola Conchita ng dahil lamang sa tsokolate. Natutuwa akong bumalik ang onti sigla sa muka ng matanda magbuhat ng bigyan ko siya nito. Hindi na mainitin ang ulo niya at nakakasilip ako ng mga ngiti sa kanyang mga labi. Kung kaya naman araw araw ay binibigyan ko siya ng tsokolate. Katulad ko ay may malaking kinalaman sa buhay niya ang pagkain ng tsokolate. Nang minsan magkakuwentuhan kami ay dito niya inilabas lahat.Habang kumakain kami ng paborito naming tsokolate.
"Ineng, maaga akong nabalo ng aking asawa mula sa isang aksidente. Biniyayaan kami ng isang supling na babae at naging katuwang ko sa buhay,ngunit di kalaunan ay kinuha din sa akin sanhi ng isang karamdaman. Natutuwa ako sayo dahil katulad ko ay mahilig ka din sa tsokolate. Naalala ko pa noong mga panahon na nililigawan palang ako ng aking asawa ay tsokolate ang madalas niyang ipasalubong sa akin. Dahil din sa pagkaing ito kung bakit kami nagkatuluyan. Ganun din ang kaisa isa kong dalaga na si Julia. Madalas niya akong bigyan ng tsokolate tulad ng kanyang ama. Naniniwala kasi siyang yoon lamang ang tanging nagpapaligaya sa akin sa mga panahong malungkot ako. Akala ko nung una eh kakayanin kong wala ang aking kabiyak, sapagkat nandyan naman si Julia. Sa panahong binawian ng buhay ang aking nagiisang anak ay nawalan na din ako ng pagasang maging masaya. Wala ng nagbibigay sa akin ng tsokolate. Para kasi sa akin hindi ang napakasarap na lasa ng tsokolate ang pinakamasayang parte, kundi yung sayang dulot ng taong nagbibigay nito sa akin. Yung may nagaabala at umiintinding pangitiin ako sa mga oras ng akin kalungkutan. Nang maulila ako sa buhay ay hinalintulad ko sa pagkaing ito. Ang buhay ay parang tsokolate, merong matamis pero minsan meron ding mapait. May iba't ibang hugis at hitsura din ang mga ito, tulad ng taong may kanya kanyang uri ng pag-uugali. Inisip ko nuon na wala ng kasing pait ang buhay ko at hindi ko na magagawang gawing matamis pa ito. Hanggang sa dumating ka Lily, muli ay binigyan mo ako ng tsokolate. Binigyan mo ng tamis ang aking mapait na buhay dito sa Bahay Kalinga."
Simula nuon ay naging lalong naging matamis ang bawat araw na amin pagsasama ni Lola. Nakita ko sa kanya ang aking sarili. Pareho kaming ulila sa mahal sa buhay, kung kaya naman ay itinuring namin ang isa't isang pamilya.Alam kong hindi katagalan ay kukunin na si Lola dahil may katandaan na ito.Ngunit gayunpaman ay ginagawa kong positibo ang lahat. Pinipilit kong pasayahin siya sa bawat oras na nalalabi ng kanyang buhay. Araw araw ay dinadalan ko siya ng pagkaing nagpapangiti sa kanya at sabay namin itong kinakain.
Isang umaga dali dali akong pumunta sa Bahay Kalinga. Isang tawag ang madaling nagpabangon sa akin mula sa pagkakahiga.Nag-aagaw buhay na daw si Lola.Nagmadali ako sa pagpunta doon. Nang marating ko ang gusali ay dali dali akong pumunta sa kwarto kung saan nakahiga ang matanda. Inabutan ko itong maputla at nanghihina na. "Lola ayus ka lang ba? anung nararamdaman mo?". Dali dali kong inutusan ang mga kapwa ko nurse upang tumawag ng ambulansya at itatakbo na namin sa ospital si Lola. "Anak huwag ka ng magabala, hindi na ako magtatagal. Nagpapasalamat ko sa kaunting panahon na ipagnakloob sa ating dalawa. Sanay manatili kang matatatag at walang sawang maging dahilan ng pagngiti ng lahat". Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pang lumuha. Itinuro niya ang isang maliit na kahon sa ibabaw ng mesa. Dali dali ko naman itong kinuha. Ngunit pagbalik ko muka sa sa pagkuha ng kahon ay nawalan na buhay ang matanda. Patuloy ang pag-agos ng maiinit na butil ng tubig na umaagos mula sa aking mga mata. Binuksan ko ang kahon ng ipinakuha niya sa akin. Doon ay may nakalagay na isang chocolate bar at isang liham. Binasa ko ang sulat.
Lily,
Anak, alam kong malulungkot ka sa sandaling mawala ako. Ito ang isang piraso ng tsokolate nais kong kainin mo ito. Huwag ka ng umiyalk., ayaw kong malungkot ka. Masaya na ako kung saan man ako papunta ngayon Lily. Alam kong duon sa patutunguhan ko ay maraming magaabot sa akin ng tsokolate. Nanduon sila na magbibigay sa akin ng ngiti at saya. Alam kong balang araw ay matatagpuan mo isang taong magbibigay ng tamis sa buhay mo. Hinihiling kong maging masaya ka Anak, maraming salamat sa kaunting oras na inilaan mo sa akin. Mahal na mahal kita.
Lola Conchita.
Ilang araw na mula ng ilibing si Lola,malungkot parin ako. Minsan ay hindi ko mapigilang umupo sa isang lugar sa Bahay Kalinga at umiyak. Alam kong ayaw ni Lola na maging malungkot ako. Ngunit minsan ay hindi ko paring maiwasan. Naglakad lakad ako sa palibot ng gusali. Inalala ko ang mga masasayang araw noong kasama ko pa si Lola. Umupo ako sa isang lilim ng puno kung saan madalas ay nag-uusap kami ng matanda. Dito ay hindi ko na naman mapigilan ang pag-iyak. Hanggang sa... "Gusto mo?". Isang lalaki ang nagaabot sa akin ng tsokolate. Kinuha ko naman ito at ngumiti. "Ako nga pala si Jake bagong volunteer dito, anung pangalan mo?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento