My Blog List

Martes, Agosto 9, 2011

Sagradong Halaman

BABALA: Ang aking akda ay tungkol sa isang maselang issue na tanging ang mga nakakagamit lang ang nakakaalam, hindi ko ninanais na ika'y impluwesyahan ang nais ko lang ay magkaroon ka ng kahit kakarampot na kaalaman.


Marahil ay makakarelate ang mangingilan ngilan sa aking sulatin ngayong araw.Yung iba namang pakiramdam nila ay ok sila sa kanilang buhay at hindi matuturing "adik" eh walang magiging pakialam.Tama,our lesson for today is all about the herb,or the so called Marijuana.


Isang Senaryo kasama ang mga MOTHER BEE :


Naglalakad ako minsan sa kahabaan ng isang eskinita mula sa dati kong apartment na tinutuluyan, maraming mga tambay at naguumpukan sa mga gilid gilid. At seyempre hindi mawawala ang mga mother bee sa paligid. Napahinto ako sa isang tindihan kung saan sila nagchichismisan.Naisipan ko na magpahinga muna panandalian dahil sa sobrang tirik na init ng araw. Tila ba'y nagpanting ang aking mga tenga ng marinig kong ako ang pinaguusapan nila.Narinig ko ang mga bulungan, "adik ata ang babaeng yan, masamang impluwensya tsk.tsk.tsk",sabi ng isang ale na walang hinto ang bibig sa kakadakdak. Yung isa naman ang nagwika, "nagmamarijuana daw yan, kita niyo naman tattoo-an pa. Huminahon na lamang ako at hindi ko sila at pinilit kong magbingibingihan sa kabila ng mga matatalim na bunganga na nasa gilid.Palibhasa ay madalang nila akong makita, sa kadahilanang nagtratrabaho ako pag gabi at tulog sa umaga.At malamang sa oras ng restday ko ay naamoy nila ang halimuyak ng usok mula sa aking kwarto. Pasalamat sila at may respeto pa ako sa matatanda. Sa isip-isip ko nalang ay "F*** you and yes I smoke the sacred weed,at wala kayong pakialam wala kasi kayong mga alam". Nilayasan ko ang mga manang at nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Isang Paala-ala :


Para po inyong kaalaman ay hindi ko tinutuligsa ang sinasabing niyong mali. Inaamin ko, I violate the government law about marijuana,because I smoke it. Sucks man, but i don't think na violation na yun as long as hindi ako nahuhuli. haha.Marami pong hindi nakakaalam sa atin sa mabubuting dulot ng aking itunuturing na sagradong halaman.Herb can be use as medicine and can cure while alcoholic drinks or any liquor do not.Tandaan din po natin na lubhang nakakasira ang paninigarilyo, higit pa sa iniisip niyong marijuana na tinitira ng mga kagaya kong naniniwala. If marijuana was addictive, tobacco would still be more addictive because you get withdrawal effects unlike marijuana.Karamihan po kasi sa atin ay nabrainwash na din sa ideya na ang marijuana ay tulad ng cocaine,hindi.Lubha pong napakalayo ng diperensya.


Kaibigan, atin pong tandaan na ang lahat ng tumutubo sa lupa ay gawa ng Diyos na maykapal.Anu mang nilalang ng Diyos ay hindi maaaring lapastanganin ng kahit na sino mang nilalang sa mundo, at ito rin ay nangangailangan din ng kaukulang respeto mula sa kapwa nito nilalang. Ngayon kung ating iisipin ang tinutukoy kong sagradong halaman ay tulad ng isang gulay na maari nating kainin. Mas lubos na pumipinsala sa ating mga ugat ang gawa ng tao. Anu mang may halong kemikal ang iyong hinihithit, sinisindihan at kinakain ay higit na nakapipinsala. Bago niyo tuligsain ang aking lathalain ay sana mabigyan nyo ako ng isang kongkretong basehan kung bakit kinakailangan akong huminto.Para sa akin isang bagay lang naman kung paano ito makakasama, lahat ng bagay na sumusobra ay hindi tama. Kung ating aabusuhin ang paggamit ay hindi rin magdudulot ng mabuti para sa nakararami. Wag po nating abusuhin.At utang na loob, wag po nating gamitin upang makisabay lang sa inaakala nating uso, o para masabi lang na rakers ka at astig.


Sa aking opinyon ay maiging magbasa tayo,educate ourselves ika nga. Maari din pong magtatanong sa ating mga tinatawag na eksperto (may kilala ako,gusto niyong makilala?)Buksan natin ang ating mga isipan,mas mabuting subukan ang lahat ng bagay ng may kaukulang kaalaman. Kung ipapaliwag ko lahat dito ay malamang humaba at umabot pa hanggang bukas ang iyong pagbabasa (all about Rastafariansm) ang haba diba? Nais ko lamang gisingin ang inyong kamalayan na hindi lahat ng iniisip niyong mali ay hindi tama.Na wala nang mas tatalino sa Diyos na may lalang sa atin at sa buong sanlibutan.Happy 420 kaibigan! Kapayapaan, Pagmamahal at Musika.=)


QUOTABLE QUOTATION:


i know and the world that herb was created for the use of man herb was here before man so that means if man controls violate the laws of who created herb cause herb is not an illusion, it is creation and it was created by a divine man for a divine purposes.


—Bob Marley February 6, 1945 - May 11, 1981 (cause of death melanoma HINDI MARIJUANA.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento