EXCEL IN YOUR OWN CHOSEN FIELDS OF ENDEAVOR AND INTEREST.
(Photo courtesy of Bro.Kristopher Cortez)
Arriba Sta.Clara! Paano ko makakalimutang parte ako ng isang pamilya na naestablish sa aking eskuwelahang pinanggalingan. Proud ako sa lahat ng naachieve ng chapter. I may not be active nowadays but Tau Gamma Phi/Sigma will always be in my heart.It has always been a part of my daily living.I may not be able to join with chapter's/council's gathering but i am always would like to be informed.For the past few years proud ako na yung maliit na community na minsang kinagisnan ko has now become a well oriented chapter.Maraming salamat sa lahat ng naupo at nagpursigeng isaayos ang ating mahal na chapter.
Mga brad at sis wag kayong magtatampo kung ilan sa mga brad at sis tulad ko ang hindi nyo na madalas makita.Minsan talaga merong mga brad at sis na kailangang lumabas sa kalinga ng chapter. Hindi nyo man siguro kami nakikita, pero meron din kaming kanya kanyang ginagawa para maging proud parin kayo samin bilang mga brad at sis nyo.Tulad ng relasyon ng magulang sa anak minsan may mga anak na kailangang mangibang bansa para sa ikabubuti ng kanilang mga pamumuhay.Tandaan nating hindi sa lahat ng oras hindi lang sa kapatiran iikot ang ating mga buhay.Minsan kailangan lumihis ang ating mga anino para tahakin ang mas maliwanag na bukas.
Naalala ko noong medusa palang ako at naguumpisa.Tinanong ako ni Bro.Richie Dela Llarte na kung halimbawang nasa isang bangka ako at lulubog ito.Sakay ng bangka ang aking ina at ang isang sis,ngunit isa lang ang pwede kong isalba.Sinong isasalba ko, sinagot ko ang aking ina.Tinanong niya ako kung bakit? Sabi ko, "dahil kung wala si Nanay malamang master hindi nyo po ako medusa ngayon".Alam nating ito ang nararapat na sagot. Hindi ko sinasabing talikuran natin kung anu mang pinaggalingan natin. Kaakibat ng lahat ng ating kilos mga kapatid ang hakbang para sa ikauunlad ng ating mga sarili.
Maraming ibang brad at sis,aminin man natin sa hindi ang napapako sa pagtambay kung hindi naman sa maagang pagaasawa.Ginawa ang salitang pagsisisi upang lahat tayo ay may matutunan. Sa lahat ng brad at sis na nagaaral pa pagpatuloy nyo lang,pagbutihin nyo at wag na wag nyong pababayaan. Maaring hindi pa ako nakakagradaute pero alam kong hindi pa huli ang lahat.Lahat tayo may kanya kanyang talento, hindi lang sa pagpapaikot ng baso sa taas na mesa.Mga kakayanang maari nating iangat tayo sa kung nasan man tayo ngayon.777 when ever, where ever you throw it, it will always remain standing.Ganyan tayong mga lion.Kaya wag na wag tayong susuko sa hamon ng buhay.Gumawa tayo ng isang bagay na ikagaganda ng pangalan ng ating mga chapter at kapatiran.Tulad ng mga artista at mga sikat na brod, hindi bat proud tayo sa kanila.Pare pareho tayong mga tao.Kaya natin kung anu mang kaya nilang gawin.Kung magaling kang sumayaw, tumugtog, tumambling o kung anu pamang talent pagyamanin mo.
Sa tamang panahon, magkikita kita tayong muli mga brad at sis.Hindi man pareho ang daang tinatahak natin ngayon. Huwag na huwag nyong kakalimutang bilog ang mundo.Marahil hindi tayo magkaharap sa mesa ngayon o sabay na nakikipagbakbakan sa mga kaaway,ngunit darating ang araw na pagtatagpuin parin tayo ng tadhana.Lahat tayo tumatanda.We grow to maturity not by doing what we like, but by doing what we should. How true it is that not every 'should' is a compulsion, and not every 'like' is a high morality and true freedom.Marahil hindi ito maintindihan ng ilan.Hindi ko hinihingi ang lahat ng simpatsa ng lahat ng brad at sis na makakabasa nito.Maaaring tawanan ako ng ilan pero balang araw maiintindihan nyo rin ang ibig kong sabihin.
This may sound weird to others but I now work as a writer malayo sa nakita niyo sa akin noon. I may soon publish my own book.At siguro ilan sa nilalaman ng pahina ng magiging libro ko ay kabilang kayo.Dahil parte ang Tau Gamma Phi/Sigma ng pahina ng buhay ko.Marahil ngayon wala pakong titulong maipagmamalaki sa inyong lahat,pero sana dumating yung araw na maging proud kayo sa akin.Sana kahit papaano may napulot kayo sa maliit na produkto ng utak ko.Maraming salamat sa inyong lahat.
From year 2005 up to this year 2011, St.Clare College Chapter will still be counting a lot more years.Advance happy Anniversary mga kapatid.Live and Let live.I miss you all.
Sis Lights/Gara
Former LMWW of SCC
Now a Freelance Writer
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento