Karamihan sa mga naturingang Social Climber ay ang mga kabataan. Kadalasan College students. Mga studyanteng walang kakayanang buhayin ang kanilang mga sarili at nakasandal parin sa kalinga ng magulang. Malimit ko itong mapansin. Alam mo ba yung tinatawag na party animal? Ilan sa kanila ay napapabilang sa sirkulo ng mga Social climbers. Mahilig gumimik, pumunta ng mga bar at magdisco. Makipagsabayan sa mga magagarang kasuotan ng kanilang mga mayayamang kaklase. Inaaksaya ang tuition fee at allowance na ibinibigay ng kanilang mga magulang sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Makeup, expensive cellphones , mga mamahaling inumin o alak at ang pamosong starbucks. Anu nga bang nakukuha natin kung may picture tayong kasama ang isang baso ng kapeng ubod ng mahal? Nagiging sikat na ba ang tao kapag may primary picture siya sa facebook na umiinom ng starbucks? Maawa ho kayo sa mga magulang nyo utang na loob. Naghihirap sila para matapos kayo ng pagaaral. Saka na kayo magpakasusyal kung kaya nyo ng buhayin ang inyong mga sarili. At pakiusap wag kumupit ng pera sa wallet ng mga nanay at tatay nyo.
Hindi lamang natatapos sa mga party animal ang pagiging Social Climber. Maihahanay din sa kanila ang ilan sa mga mahihilig sa banda. Na kung tawagin namin ng aking mga kaibigan na "kapit sa sikat". Ito ay iyong mga taong pinagpipilitang makipagclose sa mga miyembro ng sikat na banda. Pinipilit nilang puntahan at subaybayan ang kanilang mga idolo kahit pa sa saksakan ng lalayong mga bar at ubod ng mahal na entrance. Saksakan ng aangas na pagdating sa bar eh nagpapalibre lang sayo ng alak. Pagkatapos eh manghihiram ng digi cam, magpapapicture sa mga idolong banda para masabi lang na close na sila. Pag dating ng uwian eh mangungutang pa ng pamasahe, nakakabadtrip. Nakakadagdag ba sa ating pagkatao kung malapit tayo sa mga sikat? Anu nga bang nakukuha natin? Dagdag pogi points ba ito sa mga kalalakihan at ganda points naman sa kababaihan? Wala na ngang makain ang pamilya mo eh puro gig pa ang inaatupag mo. Magtrabaho ka naman huy! mahiya ka!
Isang bagay na maari kong ipagyabang. Hindi ako mahilig sa gadget, hindi ako mahilig sa mga signatured na damit , nangongolekta ako ng sapatos pero nakukuntento ako sa paghahalungkat sa ukay. Hindi ako mahilig kumain sa mga restaurant at mas trip ko sa karinderya ni Aling Nena. Pinakapaborito kong ulam ang tuyo at kamatis. Hindi ako mahilig gumala kung saan saan at magwaldas ng pera sa walang importansyang mga bagay. Kumakain ako ng street foods. Ang tanging luho ko sa katawan ay yosi o kung sabihin man nating mas may mahal ay yan ang pagpapatattoo. Ngunit kahit gumastos man ako ng libo sa mga tattoo ko eh siguradong pinaghirapan ko ang bawat kusing na ginastos ko. Naalala ko pa nung minsang sabihin sa akin ng kaibigan kong adik sa pagbili ng mga gadget pero isang estudyante "tol, sana naging katulad kita, ang simple ng pamumuhay mo".Mayabang nako nun! Mayabang haha!
Sa buhay natin eh marami tayong hinahangad na materyal na bagay. Pero sana naman eh siguraduhin nating yung mga bibilin nating gamit eh mapapakinabangan natin. Sayang ang pera kung bibilin mo lang ang isang bagay para makapagyabang at pagkatapos ay hindi mo naman ito gagamitin. Maraming bagay na dapat pag-ukulan ng pansin. Isantabi natin ang ganitong gawain kapatid. Wala ka na ngang makain eh susyal kapa.Kumilos ng naaayon sa kaya ng ating mga bulsa. Kapag kapos manahimik sa bahay. O di naman kaya eh kung hilig mo talaga eh magbanat ka ng buto. Makuntento tayo sa kung anu mang meron tayo. Wag tayong maghangad ng mga bagay na hindi naman natin kaya. Magpasalamat tayo sa kung anu mang biyayang ibinigay sa atin.Higit sa lahat walang ibang tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili.Wag asa ng asa.Tandaan natin na mahirap tumanda ng paurong. Asikahusin natin ang mga bagay na mas may importansya. Matuto tayong tumimbang ng pagkakataon. Pag-aralan ang mga nararapat sa hindi. Responsibilidad sa buhay yan ang ating kailangan, hindi nararapat ang anu mang luho at magpanggap na mayaman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento